NEW YORK (AP) – Sa unang pagkakataon, sinabi ni President-elect Donald Trump sa isang press conference noong Miyerkules na tinatanggap niya na ang Russia ang nasa likod ng hacking sa Democrats noong eleksiyon na sumabotahe sa karera para sa White House.
Ang isang oras na pagpupulong sa Trump Tower sa Manhattan ay ang una niyang news conference simula nang manalo sa halalan noong Nobyembre.
Matapos ang ilang linggong pagtanggi sa ideya na nakialam ang Russia sa halalan dahilan para talunin niya si Hillary Clinton, sa wakas ay tinanggap din ni Trump ang ilang konklusyon ng US intelligence agencies.
“As far as hacking, I think it was Russia,’’ sabi ni Trump, idinagdag na “other countries and other people’’ ay hina-hack din ang US.