bimby-at-kris-copy

‘KATUWA ang post ni Kris Aquino sa Instagram na conversation nila ni Bimby na may picture hawak ang pink balloons na ibinigay sa kanya. Nagtanong si Bimby kung sino ang nagbigay ng balloons, hindi sumagot si Kris at sa halip, emoticon ang sagot.

Sabi ni Bimby, “Okay, but if he breaks your heart, can I shoot him?” Na sinagot ni Kris ng, “Baril agad, Bimb? Can’t you just punch him?” Sabi uli si Bimby, “Okay, but if he hurts you, I’ll beat him up because you’re my Mom & I should protect you.”

Kasunod nito, may follower si Kris na nagtanong kung si Quezon City Mayor Herbert Bautista ba ang nagpadala ng pink balloons sa kanya?

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

“Si Mayor maraming tungkulin & I don’t think he’ll ever think of sending me balloons -- lechon yes, but not balloons,” sagot ng Queen of All Media.

Pero may na-reveal sa post na ito ni Kris. May suitor siya. Kung hindi pa boyfriend, may love life, kahit papaano.

Pinuri si Bimby ng followers ni Kris dahil handa nitong ipagtanggol ang ina sa mananakit dito at magbibigay ng heartache. At the same time, makikitang nagbibinata na si Bimby hindi lang sa pananalita, pati sa katawan.

(Nitz Miralles)