OLYMPIA, Wash. (AP) – Habang naghahanda ang Washington na ipanumpa ang unang bulag na lieutenant governor, nagsagawa ang Senate ng mga pagbabago upang maisama ang Braille sa mga sesyon ng kapulungan.

Ilang linggo bago ang pagsisimula ng legislative session ngayong Lunes, binago ang desk ng 49 senador upang malaman ni Lt. Gov.-elect Cyrus Habib kung aling mambabatas ang magsasalita sa pamamagitan ng pagkapa.

Si Habib, 35-anyos na abogado na nabulag dahil sa cancer sa edad na 8, ay unang naihalal sa House noong 2012 at nanalo sa Senate noong 2014. Nitong Nobyembre tinalo niya si Republican Marty McClendon para palitan si Lt. Gov. Brad Owen, isang Democrat na magreretiro matapos hawakan ang puwesto simula 1997.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa