Inaresto ng mga awtoridad ang isang dating bilanggo ng New Bilibid Prison (NBP), sinasabing No. 1 sa Most Wanted Person list ng Manila Criminal Investigation and Detection Group (Manila CIDG), at umano’y hitman ng lider ng grupong Brix Drug Group, sa ‘Oplan Pagtugis’ sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Sa ulat ni Police Chief Insp. Wilfredo Sy, ng Manila CIDG, ang suspek na si Joel Amaquin, 38, miyembro ng ‘Bahala Na’ gang, ng 2578 San Pedro Paulino Street, Balut, Tondo, ay naaresto dakong 6:40 ng umaga kamakalawa, sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang Manila CIDG, sa pangunguna ni Police Senior Insp. Reynaldo Martin, at isinilbi ang order of arrest laban sa suspek.

Napilitan naman ang mga awtoridad na arestuhin din ang live-in partner ng suspek na si Jenny Tulda, dahil sa obstruction of justice.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakumpiska mula sa suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, isang .45 caliber pistol na may mga bala, at apat na fragmentation hand grenade.

Sa ulat ng mga awtoridad, si Amaquin ay prime hitman ni alyas “Brix”, leader ng Brix Drug Group, isa ring convicted drug personality sa NBP, at pangunahing suspek sa pagpatay kay Barangay Ex-O Jaime Blasco ng Barangay 109, Zone 10, Tondo, Manila.

Nahaharap si Amaquin sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Republic Act 9561 o Unlawful Possession of an Explosive. (Mary Ann Santiago)