Tuluyang nagpantay ang mga paa ng isang negosyante habang sugatan naman ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Commonwealth, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station ang napatay na biktima na si Johnny Naigan y Subellaga, 31, negosyante, tubong Cotabato at nakatira sa No. 0016 Lawin Street, Purok 12, Unit 5, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sugatan naman si PO1 Ronilo Romero y Castillano, 29, tauhan ng PNP Bongabon, Oriental Mindoro, nakatira sa Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasiyon ni PO3 Roldan Cornejo ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 10:00 ng gabi kamakalawa nangyari ang insidente sa loob ng bahay ni Naigan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Masaya umanong nag-iinuman sina Naigan at Romero kasama ang ilang kapitbahay nang basta na lamang pumasok sa loob ng bahay ang suspek at pinagbabaril ang una.

Agad namang hinabol ni Romero ang suspek ngunit siya’y pinaputukan. (Jun Fabon)