j-lo-at-dwaye-copy

MAGKASAMA sa gym session ang tinaguriang Sexiest Man Alive at ang hindi tiyak na sexiest woman alive nitong Biyernes.

Ibinahagi sa Instagram ni Jennifer Lopez ang selfie nila si Dwayne “The Rock” Johnson pagkatapos ng kanilang joint workout.

“Just a couple of gym rats gettin’ it in!!” saad ni J.Lo, 47, sa kanyang caption. “@therock thanks for the love and for all the positive energy and inspiration you put out into the world!! #hardworkwins #youcantstopwhatwontstop #erryday.”

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Sa larawan, makakitang fresh at flawless si J.Lo suot ang black t-shirt at topknot, at pawis na pawis naman si Johnson, 44, sa kanyang suot na gray tank. Naka-pose silang dalawa sa harap ng gym equipment.

Inaalagaan ni J.Lo ang kanyang katawan sa tulong ng boxing at personal training session kasama ang celebrity trainer na si Tracy Anderson.

“She is one of the most internally balanced people that I’ve ever met in my entire life,” saad ni Anderson sa People tungkol sa kanyang kliyenteng superstar. “She cares about all of it.” (People.com)