Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ballistics at autopsy report kaugnay sa pagkamatay ni Emilyn Villanueva, biktima ng stray bullet noong bisperas ng Bagong Taon sa Malabon City.
Una rito, sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na ang bala na nakuha sa ulo ng 15-anyos na biktima ay posibleng maging susi para matunton ang suspek.
Matatandaang isinumite ng Department of Health (DoH) sa mga awtoridad ang bala na tumama sa ulo ni Villanueva para sa ballistics testing.
Malalaman sa report kung nabaril nang malapitan si Villanueva o siya’y biktima ng stray bullet. (Beth Camia)