SAN DIEGO (AP) — Balik sa Tour si Tiger Woods sa bagong taon at magaganap ito sa Torrey Pines – ang golf course kung saan naitala niya ang walong panalo bilang pro.

Pormal na ipinahayag ng organizer ng The Farmers Insurance Open nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na lalaro si Woods sa torneo na gaganapin sa Enero 26-29. Ito ang unang paglalaro ni Woods sa PGA Tour mula nang pumuwesto sa ika-10 sa Wyndham Championship noong Agosto 2015.

Nagbigay din ng kanyang pagsang-ayon si Woods para sumabak sa Honda Classic sa Florida.

Hindi nakalaro si Woods sa buong taon ng 2016 dahil sa operasyon sa kanyang likod. Nitong Disyembre pumalo siya sa Hero World Challenge at tumapos sa ika-15 sa 17-man field sa Bahamas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwagi siya ng pitong PGA Tour event sa Torrey Pines at ang huli niyang tagumpay sa major event ay noong 2008 US Open sa naturag golf course.