BOGOTA (Reuters) – Hiniling ng gobyerno ng Colombia noong Miyerkules sa United Nations mission na inatasang pamahalaan ang demobilization ng mga rebeldeng Marxist FARC na pangalagaan ang kanilang pagiging patas, matapos kumalat ang isang video ng UN staff na nakikipagsayawan sa mga rebelde sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sinisimulan na ng mga rebeldeng Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC) ang proseso ng demobilization na magwawakas sa mahigit limang dekadang digmaan sa paglalagda ng peace deal sa gobyerno ni President Juan Manuel Santos.

Ang UN mission ang kukuha ng lahat ng armas ng FARC at mamamahala sa mahigit dalawang dosenang demobilization camp.

Sa isang public letter, sinabi ni Maria Emma Mejia, Colombian ambassador to the UN, na pinagmulan ng “great worry and surprise” ang nakita sa video. Dapat umanong tiyakin ng UN hindi na mauulit ang ganitong insidente upang hindi malagay sa alanganin ang kumpiyansa ng publiko sa pandaigdigang organisasyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'