direk-alvin-copy

NARINIG na natin ang side ng Metro Manila Film Festival at ng PAWS at pati netizens, halos lahat ng cinephiles ay nagsalita na ng pagkondena sa pagpatay sa aso sa isang eksena sa Oro. Nagsalita na rin ang controversial director na si Alvin Yapan.

Ngayon, pakinggan naman natin ang producer ng pelikula na si Shandii Bacolod.

“On the recall of the FPJ Award. Wala itong problema sa amin. Even before today, a representative from FPJ spoke to my EP last night. Maayos ang naging usapan. Klaro. May EP said: Gagawin po namin ang kailangan huwag lang mabahiran ng masama ang pangalan ni FPJ.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Narinig niyo na ang panig ng MMFF, ng PAWS at ng Oro. Nirerespeto namin ang lahat ng panig. At patuloy naming rerespetuhin ang MMFF.

“This so-called ‘trial by publicity’ should stop. If PAWS want to take a legal action, we will respect it. But this is beyond the MMFF body, this matter should be brought up in court.”

Kaugnay nito, may pahabol na reaction si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra tungkol sa court case, kung sakaling magkademandahan nga.

“MMFF executive committee has limitations on jurisdiction over the Oro issue but FDCP can take this from here on and pursue the matter.” (Nitz Miralles)