Nakatutok ang Triathlon Association of the Philippines (TRAP) sa kampanyang maidepensa ang triathlon title sa 29th Southeast Asian Games sa Agosto 19-31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matatandaang winalis nina Nikko Bryan Huelgas at Maria Claire Adorna ang naturang event sa impresibong panalo sa biennial meet may dalawang taon na ang nakalilipas sa Singapore.

Ayon kay TRAP secretary general Tom Carrasco, mas pinalakas ang koponan sa pagkakadagdag nina Edward Vince Jared Macalalad, John Chicaco, Mark Hosana and Fil-American Kim Kilgroe. Magbabalik din si women’s silver medalist Marion Kim Mangrobang.

“It’s a strong pool and we hope that we can send the best representatives to defend our title in the SEAG,” pahayag ni Carrasco.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magsasagawa ng final tune-up ang TRAP bago piliin ang apat kataong delegasyon matapos magbigay ng rules ang organizer na tig-dalawa lamang (lalaki’ at babae) ang kakatawan sa bansa.

Gugugol sina Adorna, Mangrobang, Macalalad, at Hosana ng 90 days training sa Rio Major, Portugal sa pangangasiwa ni Portuguese coach Sergio Santos, habang sasalang sina Huelgas at Chicano sa training camp ni Australian mentor Brett Sutton. (Angie Oredo)