Dahil wala nang bakanteng lupain, binigyang-diin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na reclamation ang natitirang solusyon para mapabilis ang pag-unlad ng lungsod.

Ayon kay Estrada, taun-taon ay tumataas ang kita ng pamahalaang lungsod ngunit hindi ito sapat upang maging katulad ng Quezon City, Makati City, at Taguig City.

“Wala na kasi tayong lupain na puwedeng pagtayuan ng mga bagong business districts maliban na lang kung kumuha tayo ng lupa sa Manila Bay,” ani Estrada. (Mary Ann Santiago)

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!