HELSINKI (AP) — Ang Finland ang naging unang bansa sa Europe na babayaran ang kanyang mga mamamayan na walang trabaho ng basic monthly income, na nagkakahalaga ng 560 euros ($587), sa natatanging social experiment na umaasang mabawasan ang red tape sa gobyerno, kahirapan at palakasin ang employment.

Sinabi noong Lunes ni Olli Kangas mula sa Finnish government agency na KELA, ang responsable sa social benefits ng bansa, na ang dalawang taong trial sa 2,000 mapipiling mamamayan na tatanggap ng unemployment benefits ay sinimulan nitong Enero.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa