jennylyn-at-gil-copy

SA pagpasok ng Bagong Taon, tatlong primetime teleserye ang magsisimulang mapanood sa GMA-7, ang Destined To Be Yours na unang teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Meant To Be ni Barbie Forteza kasama ang kanyang apat na leading men at ang Pinoy adaptation ng koreanovelang My Love From The Star na magtatampok kay Jennylyn Mercado at sa bago niyang leading man na si Gil Cuervo. 

Commercial and print model si Gil, kaya hindi kataka-taka kung may pressure man siyang maramdaman sa kanyang role bilang Matteo Du. Hindi ikinakaila ni Gil na pressured talaga siya lalo pa at first acting job niya ito.

“Yes, totoong may pressure, a lot of pressure, sa akin ang role,” sagot ni Gil. “Alam kong may magiging comparison sa acting ko at sa acting ni Kim Soo Hyun, lalo pa at kilala siya, he’s a big star in Korea.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Nalaman ko ring twice na palang naipalabas dito sa atin ang koreanovela, dubbed in Tagalog. But I’m up for the challenge, and I’m excited to do it.”

Nagsimula nang mag-taping sina Gil at Jennylyn. Hindi siya gaanong nailang kay Jennylyn, na first time din lang niyang nakakasama. Nagulat pa nga raw siya na very down-to-earth pala ito. Madali raw siyang naging comfortable working with her sa first taping day pa lamang nila. He’s looking forward for more taping days with Jennylyn, after the Holiday Seasons.

Wala pang announcement ang GMA-7 kung kailan ang pilot telecast ng My Love From The Star na idinidirehe ni Bb. Joyce Bernal. (NORA CALDERON)