NAGPAHAYG ng kagustuhan si naturalized Andray Blatche na muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa nakatakdang lahukang torneo sa abroad.
Sa kanyang mensahe kay Gilas coach Chot Reyes, sinabi ni Blatche na handa pa ring siyang maglingkod para sa bayan.
Ipinahayag niya ang saloobin ilang araw matapos ipahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang interes na maghanap ng batang player na potensyal na maging naturalized Pinoy.
Sa Instagram post ni Reyes hingil sa desisyon ni Jayson Castro na magretiro na sa international competition, sumagot si Blatche sa hangad niyang muling makalaro ang mga dating teammate at ipagpatuloy ang kampanya na makabalik sa World stage.
Huling naglaro si Blatche para sa Gilas Pilipinas noong nakaraang Manila Olympic Qualifying Tournament.
Sa kasalukuyan, nagsisilbi siyang import sa Xinjiang Tianshan Rural Commercial Bank Flying Tigers sa China Basketball Association. (Marivic Awitan)