NEW YORK (AFP) – Sinalubong ng mga kawatan ang 2017 sa New York ng pagnanakaw ng $6 million alahas malapit sa kung saan nakatalaga ang libu-libong pulis para sa taunang midnight ball drop sa Times Square.

Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang tatlong magnanakaw na nakita sa surveillance camera sa KGK Holdings, isang India-based jewelry wholesaler, ayon kay police spokesman Detective Ahmed Nasser.

Dakong 10:00 ng gabi noong Sabado, pinasok ng tatlong suspek ang gusali sa midtown Manhattan sa 70 West 36th Street habang nakatutok ang 7,000 pulis sa seguridad ng mga taong dumagsa sa Times Square sa pagdiriwang ng bisperas ng Bagong Taon.

Batay sa video footage, tinungo ng mga kawatan ang opisina ng KGK Holdings sa ikaanim na palapag ng gusali at pinasok ito gamit ang martilyo at pry-bar. Ninakaw nila ang “two safes that contained rings, earrings, bracelets, necklaces,” ayon sa detective.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa