OAKLAND, Calif. (AP) — Tumabo sa US$45,201 ang halaga ng dalawang pares ng sapatos na inilagay sa ‘auction’ ni Golden State Warriors star Stephen Curry bilang bahagi ng fund-raising para sa mga nabiktima ng sunog sa Oakland warehouse kamakailan.

Ipinahayag ng Warriors nitong Biyernes na ang sapatos na isinuot ni Curry laban sa New York Knicks nitong Dec. 15 ay nabenta sa hindi nagpakilalang bidder sa halagang US $30,101.

Nakalimbag sa naturang sapatos ang salitang “Oakland Strong”.

Nabenta naman ang pregame “Ghost Ship” shoes ni Curry sa halagang US$15,100.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Inilabas ni Curry sa kanyang Twitter ang pagbebenta ng sapatos sa eBay auction.

Naganap ang sunog nitong Dec. 2 sa kasagsagang ng pagdiriwang sa Ghost Ship warehouse.