DUBAI (AFP) – Nilusob ng mga armadong kalalakihan ang isang kulungan sa Bahrain kung saan nakapiit ang mga Shiite na hinatulan sa mga protesta laban sa pamahalaan. Isang pulis ang namatay at 10 preso ang nakatakas.

Naglunsad na ng manhunt ang security forces para sa mga umatake at mga nakatakas, sa Jaw prison sa katimugan ng kabiserang Manama.

Sinabi ng interior ministry na apat o lima sa mga nakatakas ay miyembro ng isang teroristang grupo na armado ng automatic rifles at mga pistol, sa pag-atake dakong 5:30 ng umaga.

Pito sa mga nakatakas na preso ay may hatol na habambuhay na pagkakakulong at tatlo ang nagsisilbi ng mahabang sentensiya dahil sa “terrorist acts”, ayon sa ministry.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa