India Pokemon Go

WASHINGTON (AFP) – Matagumpay ang tatalikod na taon para kay Donald Trump, gayundin sa Pokemon Go.

Ayon sa global trends report ng Google na inilabas nitong Miyerkules, ang augmented reality game mula sa Nintendo ang most-searched item online ngayong 2016.

Si Trump ay pumangatlo sa most-searched topics ng taon, kasunod ng iPhone 7 at nauna sa rock icon na si Prince, na pumanaw noong Abril.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ngunit nanguna si Trump sa listahan ng most-searched people ngayong taon, naungusan ang kanyang campaign rival na si Hillary Clinton, Olympic swimmer na si Michael Phelps, asawa ni Trump na si Melania at gold medal gymnast na si Simone Biles, ayon sa Google.

Inilalathala ang global list ng Google bawat taon kasama ang trends mula sa iba’t ibang bansa, nagbibigay ng insights sa mga umaagaw ng atensiyon ng Internet users sa buong mundo.

Ang top news item na hinanap sa Google ay ang US election, sinundan ng Olympic Games sa Rio, Brexit, ang madugong nightclub shooting sa Orlando, Florida at ang Zika virus.

Sa mga namayapang celebrities nitong 2016, most searched-for si Prince, kasunod si David Bowie, pinaslang na US singer na si Christina Grimmie, British actor na si Alan Rickman at boxing legend na si Muhammad Ali.

Sa consumer technology, nangunguna ang iPhone 7 sa search list, at pumangalawa ang Freedom 251 – ang smartphone na ibinenta sa India sa halagang 251 rupees, o wala pang $4.

Sa global sports events, pinakamarami ang naghanap sa Olympics, sinundan ng baseball World Series, Tour de France, Wimbledon at ang Australian Open tennis tournament.

Ang most searched-for movies naman ay ang Deadpool, Suicide Squad, The Revenant, Captain America: Civil War at Batman v Superman, ayon sa Google.

Sa US users, ang most-searched item ay ang Powerball lottery, na naging usap-usapan dahil sa makasaysayang $1.6 billion jackpot noong Enero.