BIRMINGHAM, Alabama (AP) — Nakatakdang idepensa ni WBC heavyweight champion Deontay Wilder ang titulo laban kay Polish challenger Andrzej Wawrzyk.

Ipinahayag nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) ang laban na itinakda sa Pebrero 25 sa Legacy Arena. Ito ang unang laban ni Wilder mula nang magtamo ng injury sa kanang kamay at bicep nang gapiin si Chris Arreola noong Hulyo.

Tangan ni Wilder, pambato ng Tuscaloosa, Alabama, ang 37-0 karta, lahat pawang natapos sa knockout, habang hawak ni Wawrzyk ang 33-1 marka, kabilang ang 19 knockout.

Ang duwelo ay bahagi ng Premier Boxing Champions series at ipalalabas sa FOX.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikalimang pagdepensa ng 31-anyos na si Wilder at ikasiyam na laban sa estado ng Alabama.