Pinaigting pa ang paghahanap sa nawawalang 42-anyos na Filipino-American mula sa DeKalb County, Georgia matapos magpahayag ng pangamba ang mga pulis na siya ay nasa matinding panganib o mas malala pa.

Ayon sa mga ulat, nawala si Cecilia Bustamante noong Oktubre. Naiwan niya ang kanyang credit at debit cards, ID, passport at 7-anyos na anak na lalaki.

Gayunman, ipinaalam lamang sa pulisya ang tungkol sa pagkawala ni Bustamante noong Disyembre 2 ng kanyang mga pamilya sa Maryland

Sumali na ang Filipino-American Association of Atlanta sa paghahanap sa nawawalang Filipino-American na kamakailan lamang ay lumipat sa isang bahay sa Meadowood Lane sa Chamblee at dating naninirahan sa Lindbergh area ng Atlanta.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nagsusumamo ang asosasyon sa lokal na komunidad na “reach out to all of your friends out there,” sa social media groups, o sa sinuman na maaaring may nalalaman tungkol kay Bustamante.

Sa ngayon, wala pang isinasampang kaso at wala pa ring suspek na maaaring ituro ang pulisya. (Roy C. Mabasa)