Pinakakasuhan sa Sandiganbayan si dating Nueva Ecija 3rd District Rep. Aurelio Umali dahil sa umano’y maanomalyang paggamit sa kanyang pork barrel fund noong 2005.

Sa 38 na pahinang ruling ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pinakakasuhan si Umali, ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles, sina Department of Agriculture (DA) Regional Executive Director Renato Manantan at Narcisa Maningding, accountant ng DA, ng apat na bilang ng graft at tatlong malversation.

Pinasasampahan din ng Ombudsman ng kaparehong kaso sina Anita Tansipek at Corazon Bautista, kapwa ng Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi, Inc. (Samahan), isang non-government organization (NGO).

Bukod dito, ipinasisibak din sa serbisyo sina Umali at Manantan matapos mapatunayang nagkasala sa grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service, at kinansela na rin ng Ombudsman ang retirement benefits ng dalawa. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito