Suporta at dalangin.

Ito ang hiling ni Alyssa Valdez sa mga volleyball fans sa nakatakda niyang pagtungo sa Thailand upang maglaro sa susunod na taon.

Nakatakdang dalhin ni Valdez ang kanyang talento sa Thailand bilang guest player ng koponang 3BB Nakornonnt.

“I thank 3BB Nakornnont for giving me the opportunity to join them next year. We are still threshing out details as of now, but I will be flying to Thailand on January 15 to begin preparing for a tournament starting January 29,” pahayag ni Valdez.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Isa itong malaking karangalan sa Philippine volleyball, dahil ang 23-anyos na volleyball star ang unang Filipino na sasabak sa isang international competition bilang reinforcement .

Makakasama ang UAAP 3- time MVP at dating Athlete of the Year sa kabuuan ng kampanya ng 3BB Nakornnont sa second round ng Thailand League, gayundin sa Thai-Denmark Invitational League sa Abril.

“I am very excited about this and hope that this open doors for more Filipino volleyball players to get the chance to play overseas. This is a blessing that has been very timely as we celebrate Christmas season,” ani Valdez.

“I’d like to request your prayers and support since this is a challenge I’ve never encountered before. I also like to thank my family, friends and fans for sticking with me through thick and thin. It’s always been a dream to play internationally and this is a very important step to making it happen.”

Sa naunang statement na ipinost sa Facebook page ng 3BB Nakornonnt, inihayag nila ang kanilang kumpiyansa sa magagawa ni Valdez para sa kanilang koponan.

“Head coach Acting Sub. Lt. Thanakit Inleang (Coach M) believes in her attacking and defensive skills which will strengthen the team in Leg 2 of the league and the Thai-Denmark Super League,” nakasaad sa FB account.

Hindi naman maninibago si Valdez sa paglalaro nya sa Thailand dahil makakasama nya sa kanyang team sina Som Kuthaisong at Nic Jaisaen na naging teammates nya sa Bureau of Customs sa nakaraang Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference. (Marivic Awitan)