lim-aj-copy

IPINAHAYAG ng Philippine Tennis Association (Philta) ang pagpili kay top junior netter Alberto ‘AJ’ Lim, Jr. bilang bagong miyembro ng Philippine Davis Cup team na sasabak kontra Indonesia sa pinananabikang tie sa Pebrero sa Philippine Columbia Association (PCA) tennis courts sa Paco, Manila.

Kaagad na pinasalamatan ni Lim ang pamunuan ng Philta sa pagkakapili sa kanya para mapabilang sa koponan na inilarawan niyang ‘great team.’

“I will do everything to help the team reach its goal. This is for the country so I need to play very hard,” pahayag ni Lim.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang pagkakapili kay Lim ay patunay lamang sa kanyang talento na ipinamalas hindi lamang sa lokal meet bagkus sa international competition.

Sa kasalukuyan, ang freshman student sa University of the East na si Lim, ay ranked No.52 sa world junior ranking.

Sa edad na 17, nagawa nang talunin ni Lim ang ilang pinakamahuhusay na beteranong player sa National Team nang kanyang makopo ang pamosong PCA Open sa nakalipas na taon para tanghaling pinakabatang kampeon sa torneo.

Tinalo ni Lim si PJ Tierro sa final, (6-5, 7-6 (7-5). Bago ito, nasilat niya si eight-time champion Johnny Arcilla sa semis ((7-5, 4-6, 6-1), gayundin si Francis Casey Alcantara sa quarters ((7-6 (7-6), 3-6, 6-3).

Sa kanyang pagsabak sa French Open nitong Mayo, sinopresa ni Lim si American third seed Ulises Blanch, 6-3, 6-1.

Bukod kay Lim, bahagi rin ng Davis Cup team sina Fil-Am Treat Huey, Ruben Gonzales, at Alcantara.

Pinangalanan naman si Martin Misa bilang PH Davis Cup administrator, habang si Karl Santamaria ang team captain.