ISASABAK ng Philipine Cycling Federation ang pinakamatitikas na siklista, sa pangunguna ni 2014 Incheon Asian Games gold medalist Daniel Caluag sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nasa listahan din sina Singapore Sea Games ITT champion Marella Salamat at multi-titlist Mark Galedo.

Ayon kay National coach Cesar Lobramonte, pangungunahan ni Salamat ang tatlong- women Road team, habang haharurot sa men’s team sina Galedo, George Oconer, Jerry Aquino Jr. at anim pang siklista sa road race.

Personal na nagpahatid ng kagustuhang sumabak sa Philippine Team ang magkapatid na sina London BMX qualifier Danny Caluag at Christopher kasama si Asian Junior Championships champion Shienna Fines.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May 10 entries sa Men’s Road Race, apat sa Team Time Trial at anim sa Road Massed start habang apat ang kakana sa Women’s side, dalawa a Criterium at dalawa sa road race.

Nay apat na slot naman sa BMX – dalawang lalaki at dalawang babae. May kabuuang 13 gintong medalya ang nakataya sa cycling track competition.

Sina Norberto Oco¬ner, Lobramonte at Carlo Jazul ang Philippine Cycling Team coaches.