chicago-cubs-copy

CHICAGO (AP) — Sa pagbuhos ng ulan, kasabay nitong pinawi ang mapait na karanasan ng Chicago Cubs sa mahigit isang daan taong kabiguan sa World Series.

Purong kasiyahan ang naghari sa damdamin ng bawat isa, higit sa loyal fans ng Cubs matapos gapiin ang Cleveland Indians sa come-from-behind Finals sa Wrigley Field.

Tapos na ang pait, ang pagdadalamhati at kabiguan para sa Cubs.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ito ang dahilan kung bakit napiling ‘Sports Story of the Year’ ng The Associated Press ang tagumpay ng Chicago Cubs sa World Series.

“The burden has been lifted,” pahayag ni team manager Joe Maddon.

Tunay na hindi malilimot ang Cubs na nagwagi sa World Series sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1908. Nakakuha ng 48 mula sa 59 boto ang Cubs bilang ‘top sports story’ ng 2016.

Nahigitan nito, ang pagpanaw ni boxing icon Muhammad Ali bunsod nang pakikipaglaban sa sakit na Parkinson, gayundin ang unang kampeonato ng Cleveland Cavaliers sa NBA.

Sa taong, namaalam ang mga sports icon (Ali, Arnold Palmer, Gordie Howe, Pat Summitt, Jose Fernandez, gayundin ang plane crash na sanhi ng pagkamatay ng buong koponan ng Brazilian club soccer team Chapecoense) ang tagumpay ng Cubs ang pinakaumukit sa isipan at damdamin ng sports fans.

“I think a lot of casual fans were initially drawn to the Cubs in the postseason because of the 108-year drought and the curse narrative,” pahayag ni president of baseball operations Theo Epstein.

“But when they tuned in, they saw a talented team full of young, exciting players who are also team-first, high-character people.”

Tulad nang mga hindi malilimot na istorya sa baseball, nahigitan ng Cubs ang lahat ng kaganapan sa sports. Huling tyansa na ni David Ross, paretirong catcher ng Chicago, na makatikim ng kampeonato. At naging pedestal sa sports career nina Kris Bryant at Maddon.

Ngunit, ang tunay na naging usap-usapan ay ang paghahabol ng Cubs mula sa 1-3 deficit at maipuwersa ang sudden death Game Seven.

“The players-only meeting during the rain delay was emblematic of this team. Instead of lamenting the blown lead or pointing fingers, the players rallied around one another and picked each other up,” aniya.