VATICAN (Reuters, AP) – Umapela si Pope Francis sa mga mananampalataya na huwag magpabihag sa materyalismo ng Pasko, na inilalagay sa anino ang Diyos at binubulag ang marami sa pangangailangan ng mga nagugutom, migrante at biktima ng digmaan.

Binatikos niya ang pagkahumaling ng mundo sa regalo, pista, at pagiging makasarili, sa halip na maging mas mapagkumbaba.

“This worldliness has taken Christmas hostage. It needs to be freed,” aniya. “When Christmas becomes a feast where the protagonists are ourselves, rather than Jesus; when the lights of commerce cast the light of God into the shadows; when we are concerned for gifts, but cold toward those who are marginalized,” sabi ng papa.

Ayon kay Pope Francis, marami sa mayayamang mundo ang kailangang paalalahanan na ang mensahe ng Pasko ay kapakumbabaan, kababaang-loob at misteryo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“If we want to celebrate Christmas authentically, we need to contemplate this sign: the fragile simplicity of a small newborn, the meekness of where he lies, the tender affection of the swaddling clothes. God is there,” sabi ng papa.

Ipinagdiwang ni Francis ang taimtim na Misa sa Bisperas ng Pasko sa St. Peter’s Basilica. May 10, 000 katao ang nasa loob habang libu-libo pa ang nasa labas sa gitna ng malamig na gabi at nanonood sa mga higanteng tabing.

Hinimok ni Pope Francis ang mga Kristiyano na ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pag-aalala at pagtugon sa kapalaran ng mga batang tumatakas sa mga pambobobomba o sakay ng mga bangka ng migrante at mga ipinapalaglag sa sinapupunan.

“Let us allow ourselves to be challenged by the children who are not allowed to be born, by those who cry because no one satiates their hunger, by those who do have not toys in their hands, but rather weapons,” ani Pope Francis.

Hinikayat niya mga mananampalataya na pagnilayan kung paanong ang mga bata sa ngayon ay hindi natutulog nang mahimbing sa higaan at minamahal ng kanilang mga magulang gaya ng sanggol na si Jesus, kundi nagdurusa sa “squalid mangers that devour dignity.”

Kabilang sa mga nakaiinsulto, aniya, ay ang pagtatago sa ilalim ng lupa upang hindi matamaan ng pambobomba, pagtulog sa bangketa sa malalaking lungsod o sa ilalim ng mga bangka na puno ng mga migrante.