Isang posibleng gintong medalya ang agad na mawawala sa hinahangad na maiuwi ng Pilipinas sa kampanya nito sa 29th Kuala Lumpur Southeast Asian Games bunga ng hindi paglahok ni 2016 Rio De Janeiro Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz.

“Walang babae sa SEA Games weightlifting,” direktang pahayag kahapon ni Philippine Weightlifting Association (PWA) president Monico Puentevella sa pagdalo sa ika-80 kaarawan ng matalik nitong kaibigan at kapwa naging commissioner sa Philippine Sports Commission na si Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) president Salvador Andrada.

“We will only be sending Nestor Colonia, Jeffrey Garcia and John Paolo Rivera Jr.,” aniya.

Hindi pinayagan ng host Malaysia Southeast Asian Games Organizing Committee ang halos buong mga laro na tampok ang mga kababaihan dahil sa sinusunod nitong kultura.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ni Puentevella na pagkakataon na para kay Incheon Asian Games at Rio De Janeiro Olympian Nestor Colonia na ipakita na karapat dapat siya manatili sa pambansang koponan matapos ang dalawang sunod nitong masaklap na kabiguan sa internasyonal na torneo.

“Dalawang ginto na ang naging bato pa sa kanya,” sabi ni Puentevella, patungkol sa naging kampanya ni Colonia sa IWF World Weightlifting Championships sa Houston, Texas at sa nakalipas na 2016 Rio De Janeiro Olympic Games sa Brazil.

“He could be a millionaire by this time,” aniya.

Bibigyan din nito ng pagkakataon si Garcia na patunayan sa kanyang sarili na kaya na rin nitong makipagsabayan sa pinakamahuhusay na weightlifting sa rehiyon.

Ang 24-anyos na si Garcia, nakapagwagi ng dalawang gintong medalya nong 2012 Asian Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan, ay nagbabalik matapos na magtamo ng back injury.

Nagwagi noon ang mula din Zamboanga na si Garcia sa junior men’s 62 kilogram division habang si Colonia ay nag-uwi naman ng tatlong pilak sa 56 kilogram event.

Nagawa naman mag-uwi ng dalawang tanso ng 16-anyos na si Rivera Jr. sa katatapos lamang na Youth Boys’ 50 kilograms 18th Asian Youth (Boys’ & Girls’) Weightlifting Championships at 23rd Asian Junior Women’s & 30th Asian Junior Men’s Weightlifting Championships sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.

“Rivera will be sent for exposure,” sabi ni Puentevella. “May potential ang bata and I am sure, he will be like Hidilyn na nagsimula din noon sa age na 12 kaya sila ang inaasahan natin na magiging future ng weightlifting.”

(Angie Oredo)