CAPAS, Tarlac – Isang hardware store ang pinasok ng pinaniniwalaang mga miyembro ng kinasisindakang Baklas Yero gang sa Barangay Sto. Domingo 2nd, Capas, Tarlac, Biyernes ng umaga.

Ayon kay PO2 Jeremias Taruc, Jr., pinasok ng mga kawatan ang MST Hardware ni Mark Anthony Ong, 28, binata, ng Doña Lutgarda Subdivision, Bgy. Cutcut 2nd, Capas. Natangay sa tindahan ang mga materyales na aabot sa P190,500 at P35,000 cash. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog