maine-at-alden-copy

MALIGAYANG Pasko sa lahat ng dear readers ng Balita. Happy birthday to our Lord Jesus Christ.

Opening day ngayon ng 42nd Metro Manila Film Festival na sana ay suportahan nating lahat.

Para sa tunay na diwa ng Pasko, kahit walang entry, ay may ginawang video si Alden Richards na kumakalat sa social media bilang endorsement niya sa walong filmfest entries.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Saan kaya magpapalipas ng Pasko ang ating showbiz celebrities?

Last Friday, December 23, umalis papuntang Japan si Maine Mendoza kasama ang kanyang family. Nag-suggest daw si Tatay Dub na huwag na silang tumuloy dahil may events pang gagawin si Maine, pero gusto pa ring ituloy ng dalaga ang kanilang Christmas vacation dahil sa January, 2017 ay magiging busy na sila ni Alden sa taping ng kanilang first teleserye sa GMA-7 na Destined To Be Yours. May location ang serye, kaya madalang na naman silang magkakasama-sama.

Tradisyonal ang Noche Buena kagabi ni Alden Richards sa kanilang bahay sa piling ng pamilya. First time nilang magsi-celebrate ng Pasko sa kanilang bagong bahay. Chance rin ni Alden na magpahinga pagkatapos ng sunud-sunod na Christmas events na dinaluhan niya at ng sinimulan nang taping ng Destined To Be Yours. May events pa rin siyang pupuntahan after Christmas.

Ngayong Pasko, kasama ni Vhong Navarro ang kanyang mga anak at girlfriend sa Hong Kong. Nang tanungin kung kailan sila magpapakasal ng girlfriend, right timing na lamang daw ang hinihintay nila at puwede raw itong maganap sa 2017.

Masaya si Vhong Navarro na matataon sa birthday niya sa January 4, 2017 ang opening day ng pelikula niyang Mang Kepweng Returns na hindi pinalad na mapili para sa MMFF 2016. Pero sabi niya, parang mas maganda na hindi sila napili dahil wala silang makakasabay na malalaking movies at mga artista.

Si Valeen Montenegro, na kasama ni Vhong sa Mang Kepweng Returns ay nasa bahay lamang daw kung Pasko kapiling ang pamilya. Tradisyon na raw nila ang pagtitipun-tipon tuwing ganitong panahon lalo’t New Year din ang birthday ng daddy niya at ang brother naman niya ay nasa Spain. Kaya tuwing Noche Buena at New Year’s Eve, nag-i-Skype sila sa brother niya.

Ayaw namang isipin ni Jennylyn Mercado na wala na ang kanyang Mama Lydia, kaya itutuloy pa rin daw niya ang tradisyon nila sa bahay tuwing Pasko, iyong parang kasama pa rin niya ang kinagisnang ina. Siyempre, kapiling niya sa pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito ang anak niyang si Jazz at ang kanyang boyfriend na si Dennis Trillo.