Inakusahan ang Chinese casino tycoon na si Jack Lam ng paglabag sa mga batas ng Pilipinas sa paggamit ng mga dummy sa pag-aari nitong Fort Ilocandia Resort and Hotel.

Kasama ang abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio, naghain ng reklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa pangunguna ni Dante Jimenez, sa Department of Justice (DoJ) laban kay Lam sa paglabag sa Anti-Dummy Law, sa ilalim ng Section 2-A ng Commonwealth Act No. 108, na inamyendahan ng Presidential Decree No. 715.

Bukod kay Lam, respondents din sa reklamo sina Rosanno Nisce, dating presidente ng Fort Ilocandia Holdings; Siu Wah Chung, British at dating chairman of the board of directors; Edgar Lim, dating treasurer at director ng Fort Ilocandia Holdings; at Jose Roberto Mumuric, dating secretary at director ng Fort Ilocandia Holdings.

Kaugnay nito, tiniyak naman kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tanging mga illegal online gambling operation sa Pilipinas ang ipasasara.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ito ang nilinaw ni Aguirre makaraang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapasara sa lahat ng online gaming sa bansa.

“Impression ko he was referring to the online operations na talagang nagba-violate ng ating gambling laws, ng ating tax laws, ‘di nagbabayad ng tamang buwis, tulad ng situation ni Jack Lam,” sabi ni Aguirre. “With respect to the others who are complying with the limitations, of PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) limitations wala muna silang dapat ikabahala.”

Inihayag din ng Presidente na bubuo siya ng task force sa online gaming na pamumunuan ni Aguirre, at sinabi ng huli na hinihintay muna niya ang executive order (EO) ng Pangulo bago buuin ang task force.

(Jeffrey Damicog at Beth Camia)