Ipinadama ng Ateneo De Manila Blue Batters ang matinding determinasyon para makabalik sa pedestal matapos sungkitin ang korona sa Hong Kong International Baseball Open.

Pumagaspas ang Blue Eagles para makaahon sa 1-6 na paghahabol at kumpletuhin ang come-from-behind, 7-6, panalo sa Sai Tso Wan Baseball Field nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Iniuwi ni Dino Altomonte ang tournament MVP honor habang si Renzo Ramos ang tinanghal na Most Stolen Bases. Si Ateneo mentor Randy Dizer ang kinilala bilang Best coach.

Sinimulan ng Eagles ang kanilang kampanya sa 23-1 pagpapabagsak sa Chinese-Taipei sa loob ng limang innings bago sinundan ng 12-1 panalo kontra nakaraang kampeon na Hong Kong Blue para mawalis ang dalawang laro nito sa napuntahan na Group A.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Sunod na binigo ng Ateneo sa paghugot ng 8-5 panalo sa semifinals ang Hong Kong Typhoons, na katulad din sa come-from-behind na pagwawagi upang tumutnong sa kampeonato.

Ang korona ay ikalawa ng Blue Batters sa tatlong taon matapos na talunin din ang Hong Kong Red sa 2014 Finals.

Tatlong beses naging UAAP champion, asam ng Ateneo na mabawi ang korona na nabitawan nito kontra sa karibal na La Salle kaagahan ng buwan ngayong taon dahil sa kawalan nina Dio Remollo at Johnny Altomonte, na kapwa nagtapos ng kanilang playing years. (Angie Oredo)