ALING TV network ba talaga ang tunay na number one, ang ABS-CBN o ang GMA-7?

Kamakailan ay ipinahayag ni GMA Network President/Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon na sila na ang number one. Samantala, ang ABS-CBN ay matagal na ring nagki-claim na number one sila.

Ang pagkakaalam namin, number one ang GMA sa nationwide Urban homes lang, hindi nila inilalabas ‘yung Urban plus Rural. Paano naging number one kung hindi naman sakop ng resulta ang lahat ng kabahayan sa Pilipinas?

Sa claims ng ABS-CBN, Urban plus Rural ang inilalabas na survey data galing sa Kantar Media kaya represented ang 100% ng Philippine population. ‘Yung Nutam ay 58% lang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kung ikukumpara halimbawa sa eleksiyon, si Presidente Rodrigo Duterte ay nanalo sa buong Pilipinas, hindi siya nanalo dahil sa mga botante sa Urban lang.

Alam din naming nag-number one ang GMA noong November 1 hanggang December 13. At totoong panalo sila sa Urban Luzon pero talo sila sa Nutam.

At kung tama ang pagkakatanda namin, may panahon na nanalo ang GMA sa Nutam, biglang sinabi nila na panalo na sila nationwide.

Samantalang ang ABS-CBN kapag nanalo, sinasabi lang nila whole year, Nationwide, Urban-Rural at wala nang sinasabing Metro-Mega.

Kaya may pagkakaiba, na sabi nga apples and oranges ang comparison, isang Urban Rural at Urban lang.

Bakit hindi inilalabas ng GMA ang report ng AGB Nielsen na Urban plus Rural? Puro Urban lang?

Sa business side, ang alam naming tamang maglabas ng data ay ang Manila Bulletin, ‘ABS-CBN, leads Nationwide; GMA leads Urban Luzon or ABS-CBN wins total Philippines; GMA claims Urban Luzon.’

Sana hindi malito ang readers kung sino ang tunay na number one, tama ba, Bossing DMB?

(Back to square one ba ang network war? --DMB) (REGGEE BONOAN)