Ipinatupad na kahapon ng Department of Transportation (DoTr) ang anim na buwang suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman sa 25 opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG), sa pagkabigo ng mga ito na ma-liquidate ang mahigit P67.5 milyong pondo sa pagbili ng office supplies at information technology equipment noong 2015.

Sa kautusang nilagdaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade, itinalaga nito bilang Officer in Charge (OIC) ng PCG si Commodore Joel Garcia, simula kahapon. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter