Mariing itinanggi ng isang pari na may kinalaman siya sa signature campaign para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte, gaya ng ikinakalat ng isang pekeng social media site.

Ayon kay Father David Reyes, kura paroko ng Saint Joseph the Patriarch Parish sa Barangay Langgam, San Pedro City, Laguna, walang katotohanan, unfair at malisyoso ang ulat na nagsasagawa ang kanyang parokya ng signature campaign na nananawagan na magbitiw o patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

“Saint Joseph the Patriarch Parish has never engaged in any signature campaign calling for the Philippine President’s resignation or ouster. While the parish supports its Diocese (Diocese of San Pablo, Laguna) in its stance against the death penalty and extrajudicial killings,” paglilinaw ni Reyes sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, hinimok rin ni Reyes ang mga parishioner na huwag basta-basta paniwalaan ang mga ulat na walang basehan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We encourage the parishioners and all our brothers and sisters to be cautious in being swayed by fake news such as this. The news is malicious, baseless and unfair, and does not verify information if they are factual or hearsay. The news is based on a message posted by Maharlika Facebook page from an alleged parishioner,” aniya. (Mary Ann Santiago)