BONGABON, Nueva Ecija – Labis ang tuwa ni Bongabon Mayor Ricardo Padilla sa naging tugon ng Department of Agriculture (DA) sa hiling ng mga kababayang magsasaka na tuldukan na ang pagmamanipula ng mga grupong mangangalakal sa presyo ng sibuyas.

Kabilang sa naging solusyon ng DA ang direktang bilhin ng malalaking kumpanya ang mga aning sibuyas ng mga magsasaka.

Base sa datos, 50 porsiyento ng supply ng sibuyas sa bansa ay inani sa bayan ng Bongabon, na tinaguriang “Onion Basket of the Philippines”. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol