nicole-copy

IBINAHAGI ni Nicole Kidman na nakaka-relate siya sa kanyang karakter sa Lion dahil sa kanyang karanasan bilang ina ng kanyang mga anak na ampon.

Sa direksiyon ni Garth Davis, ang pelikula ay tungkol sa kuwento ng isang bata mula sa India na hinahanap ang kanyang nawawalang mga kaanak sa pamamagitan ng Google Earth, na ‘di naglaon ay kinalinga ng isang pamilyang taga-Australia.

Napag-alamang isa sa mga paboritong makapasok sa Oscar ang Lion. Nominado para sa supporting actors sina Kidman at Dev Patel, na ginawaran ng kanilang 23rd Screen Actors Guild awards.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Matatandaang nag-ampon si Kidman at ang dating asawa niya na si Tom Cruise ng dalawang bata, sina Isabella at Connor, at inaming malapit dito ang kanyang karakter bilang si Sue Brierley na umampon sa batang si Saroo na ginampanan naman ni Patel.

“She came up to Sydney and we just sat in my apartment … and just started talking,” sabi ni Kidman sa Australian Broadcasting Corporation tungkol sa naging pagkikita ng dalawa para sa nalalapit na movie premiere ng pelikula sa Lunes.

Binanggit din niya na agad silang nagkaroon ng ugnayan.

“With your children being adopted, it was important to me that someone be on my page,” ani Brierly ukol sa pagpili kay Kidman para gumanap sa naturang karakter nang malamang isasapelikula ang kanyang istorya.

Ayon pa kay Kidman, dahil sa pagiging adoptive mother niya ay mabilis din niyang nauwaan ang naging karanasan ni Brierley.

“We have similar ways in which we wanted to adopt,” dagdag pa nito.

Aniya, ang role sa pelikula at ang pagtanggap niya rito ay sadyang nakatadhana para sa kanya.

Gaganapin ang 89th Academy Awards sa Los Angeles sa Pebrero 26. (MB Entertainment) (Isinalin ni Dianara Alegre)