chris-at-lovi-copy

VACATION mode na si Lovi Poe sa kanyang latest post na kuha sa beach. Hindi lang sinabi kung nasaang beach siya kasama ang hindi pa inaaming Fil-French boyfriend na si Chris Johnson. Kitang-kita sa post na hindi na lang sila “dating” dahil nang humingi ng kiss si Chris, ibinigay ni Lovi ang kanyang lips.

Tama lang naman na magbakasyon si Lovi dahil wala na siyang ginawa sa Someone To Watch Over Me kundi umiyak. Puro pasakit ang ibinibigay sa kanya ni Tom Rodriguez bilang si TJ, ang asawang may Alzheimer’s disease na dahil sa sakit, nakalimutang siya bilang si Joanna at hindi si Irene (Max Collins) ang asawa. Dagdag na pasakit pa sa karakter ni Lovi na pati ang anak nila ay hindi na matandaan ni TJ.

Hanggang January 6, 2017 na lang mapapanood ang Someone To Watch Over Me at papalitan ito ng Meant To Be. Hindi kami sure kung nag-last taping na sila o ang mga eksena lang ni Tom muna ang tinapos. Aalis kasi ang aktor sa December 22 para makapiling ngayong Pasko at Bagong Taon ang pamilya niya sa Texas. Baka pagbalik niya, nagwakas na ang Someone To Watch Over Me na siguradong malungkot ang ending.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dahil pala sa ipinost na picture ni Lovi na naka-sexy one-piece swimsuit at sa halik ni Chris, naba-bash na naman siya. Mabuti na lang at hindi nagpapaapekto sa bashers ang aktres at kung sumagot man, hindi nang-aaway, kinokorek lang ang umaaway sa kanya. (Nitz Miralles)