wilson-at-joey-gma-news-online-copy

MARAMI ang nag-akala na mapapanood sa simulcast ng ABS-CBN, TV5 at GMA-7 ang live coverage ng Miss Universe pageant, pero mukhang hindi ito mangyayari. Ang napabalita lang na nagpirmahan ay sina Wilson Tieng, CEO/president ng Solar Entertainment Corp. at Joey Abacan, GMA FVP for Program Management ng network.

Sa post ni Nelson Canlas sa Instagram, sabi niya: “GMA Network, Inc. formally signs the memorandum of agreement with Solar Entertainment Corp giving the Kapuso Network broadcasting rights (live and replay) of the Miss Universe Pageant happening in Manila in January 30, 2017. Solar Entertainment Corp is the official Broadcaster of the Miss U pageant.

Present in the signing are GMA FVP For Program Management Joey Abacan and Solar Entertainment Corp President and CEO Wilson Tieng.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Iniulat ng GMA News Online na co-broadcasters ng Miss Universe ang Solar at GMA, kaya sila ang maghahatid ng Miss Universe pageant coronation night sa buong mundo mula sa Mall of Asia sa Enero 30, simula alas otso ng umaga.

Umaasa si Wilson na maipapakita sa buong mundo ang lahat ng mga katangi-tanging bagay sa Pilipinas sa maraming

activities ilang linggo bago isagawa ang pageant night

“The program will be beamed to 190 countries. It’ll be a showcase of what we can do and how beautiful the country is,” ulat pa ng GMA News Online na sinabi ni Mr. Tieng.

Nagpahayag naman si Joey na laging masuwerte ang partnership ng GMA Network at Solar Entertainment, tulad ng pawang matagumpay na pag-ere ng mga laban ni Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi rin ni Wilson sa nasabing report na ang GMA Network at ang TV5 pa lamang ang pumipirma sa Solar para sa pag-ere ng pageant.

(Editor’s note: Nagpadala kami kahapon ng mensahe sa ABS-CBN corporate communication head na si Kane Choa pero hindi pa siya sumagot hanggang sa maisara namin ang pahinang ito.)