PAGKATAPOS ng dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Marc Anthony at Shannon De Lima.

Naglabas ng pahayag ang dating mag-asawa nitong nakaraang Linggo at inihayag ang kanilang planong diborsiyo, ayon sa kumpirmadong ulat ng ET.

“After much consideration, we have mutually and amicably decided to end our two year marriage,” pahayag na nakuha ng ET. “We ask for privacy during this difficult process, and no further comments will be made from either one of us about this personal matter.”

Nagsimulang kumalat ang mga haka-haka na naghiwalay na sina Anthony at De Lima nitong Nobyembre. Ikinasal ang dalawa sa Dominican Republic noong Nobyembre 2014 pagkaraan ng dalawang taong pagiging magkasintahan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Lumabas ang mga balita tungkol sa hiwalayan pagkaraan ng isang araw nang makitang hindi na suot ni Anthony ang kanyang wedding ring sa Latin Grammys, kung saan naging usap-usapan din ang pagbeso niya sa kanyang dating asawang si Jennifer Lopez pagkatapos ng pagtatanghal nila na magkasama. Dahil dito, umasa ang marami tagahanga na magkakabalikan ang dalawa, ngunit isang source ang nagsabi sa ET na “Jennifer and Marc are not back together.”

Nitong unang bahagi ng linggo, ibinunyag ng tatay ni Anthony na si Felipe Muñiz ang problema ng anak sa kanyang asawa sa isang panayam sa Dando Candela ng Telemundo Puerto Rico, at sinabing hindi pa nagsasampa ng diborsiyo ang 48-anyos na singer at 28-anyos na Venezuelan model.

“He’s going through tough times right now, but he knows how to accept what comes out of this,” ani Muñiz sa konsiyerto ng anak sa Puerto Rico noong nakaraang linggo. Inihayag din niya na maraming problema ang dalawa.

Ito ang ikatlong kasal ni Anthony. Dati siyang kasal kay J.Lo, at nagkaroon sila ng kambal na anak; sina Emme at Max.

Ikinasal din siya kay Miss Universe Dayanara Torres, at may dalawa rin silang anak na lalaki; sina Cristian at Ryan.

Mayroon ding si De Lima; si Daniel, sa dati nitong relasyon. (ET Online)