Winning streak sa Spurs; Raptors malupit.

SAN ANTONIO, Texas (AP) – Kumawala sa dikitang duwelo ang Spurs sa second period tungo sa dominanteng 113-100 panalo kontra New Orleans Pelicans nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nagsalansan si LaMarcus Aldridge ng 22 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Spurs.

Hataw si Manu Ginobili mula sa bench sa natipang 17 puntos para sa Spurs, naghahabol sa dalawang puntos sa kalagitnaan ng second period bago humirit ng 14-2 run para makuha ang 12 puntos na bentahe sa halftime.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 13 puntos mula sa 5-of-10 shooting para sa Spurs, nagwagi sa ika-22 sa 27 laro.

Natikman ng Pelicans ang ikalawang sunod na kabiguan at ika-20 sa 29 na laro.

Nanguna si Alexis Ajinca sa New Orleans sa naiskor na 16 puntos mula sa 8-of-12 shooting, habang nalimitahan si Anthony Davis sa 12 puntos mula sa 5-for-12 field goal.

RAPTORS 109, MAGIC 79

sa Orlando, nawalan ng bisa ang mahika ng home crowd nang durugin ng Toronto Raptors ang Magic.

Hataw si DeMar DeRozan sa natipang 31 puntos mula sa 13-of-21 field goal para sandigan ang Raptors sa matikas na 29-13 sa third peiod para maagang makabawi sa kabiguan sa Atlanta Hawks.

Naitala ni Jonas Valanciunas ang double-double -- 16 puntos at 13 rebound para sa Toronto – kumubra sa ika-19 panalo sa 27 laro.

Nanguna sa Magic sina Evan Fournier at Serge Ibaka na kumana ng 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nag-ambag sina Elfrid Payton at reserve Nikola Vucevic ng tig- 10 puntos.

JAZZ 82, GRIZZLIES 73

Sa Utah, naisalba ng Jazz ang matikas na pakikihamok ng Memphis Grizzlies.

Naisalpak ni Boris Diaw ang go-ahead triple may tatlong minuto sa laro para sa ikaapat na sunod na panalo ng Utah.

Kumawala si Rudy Gobert ng 21 puntos at 12 rebound, habang humugot si Gordon Hayward laban sa Jazz nang malinis na 22 puntos.

Kumubra si Diaw ng 11 puntos para sa ika-18 panalo ng Utah sa 28 laro.

Naitala ng Memphis ang 30 porsiyenyo sa outside shooting , tampok ang hataw ni Mike Conley na 3-for-16 sa three-point area,

Nakigulo si Zach Randolph sa naiskor na12 puntos mula sa 5 –of-13 shooting para sa ika-11 kabiguan ng Grizzlies sa 29 laro.

SIXERS 108, NETS 107

Naisalpak ni Joel Embiid ang dalawang free throw sa krusyal na sandali para mailigtas ang Phildelphia sa gahiblang panalo sa

Matikas si Embiid sa third period sa naiskor na 17 mula sa kabuuang personal high 33 puntos.

Nagsagawa ng paghahabol ang Brooklyn para agawin ang bentahe sa 98-97, ngunit sapat ang lakas ng Sixers para makabawi tungo sa panalo.

Samantala, humarurot ang Boston Celtics para maaapula ang Miami Heat. 105-95, habang kumana si Bradley Beal ng 41 puntos sa panalo ng Wizards kontra Los Angeles Lakers.