Mismong si Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang naghayag na sa susunod na taong 2017 ay magiging libre na ang pagpapaospital ng mahihirap na Pinoy sa bansa.

Inihayag ni Ubial ang magandang balita nang bumisita siya sa Integrated Provincial Hospital Office (IPHO) sa Maguindanao nitong Sabado.

Ayon kay Ubial, pinaglaanan na ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ang hospital needs ng mahihirap nating kababayan upang hindi na nila ito problemahin pa.

Maganda na rin, aniya, ang financial standing ng Department of Health (DoH) ngayon matapos na bayaran ng DBM noong nakaraang buwan ang P32 bilyon atraso ng PhilHealth, mula sa P42 bilyon deficit nito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ng kalihim na ginawa ni Pangulong Duterte ang lahat ng makakaya nito upang hindi na maging alalahanin pa ng mahihirap ang mga gastusin sa pagpapaospital kahit na walang PhilHealth card ang mga ito.

Bukod sa libreng pagpapaospital, sinabi ni Ubial na maging ang mga gamot ay libre na rin para sa mahihirap na Pilipino. (Mary Ann Santiago)