LA PAZ, Bolivia (AP) – Pumayag si Bolivian President Evo Morales na muling tumakbo sa ikaapat na termino sa puwesto sa kabila ng resulta ng referendum.

Inaprubahan ng partidong Movement for Socialism ni Morales ang kanyang kandidatura sa unanimous vote. Kinagabihan ng Sabado, sinabi ni Morales na “if the people say let’s go with Evo, then let’s continue defeating the right and continue with our process.’’

Ang unang katutubong pangulo ng Bolivia ay unang nahalal noong 2005, at muli nong 2009 at 2014. Ngunit natalo siya sa referendum nitong unang bahagi ng taon para baguhin ang constitution upang mapahintulutan siyang muling tumakbo sa 2019. Ang kasalukuyan niyang termino ay magtatapos sa Enero 22, 2020.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina