Tiniyak ni Philippine super flyweight champion Jonas “Zorro” Sultan na hindi siya mabibiktima ng hometown decision nang patulugin niya sa 2nd round si IBF Inter-Continental junior bantamweight champion Makazole Tete kamakalawa ng gabi sa Orient Theatre, East London, Eastern Cape, South Africa.

Pinakiramdaman muna ni Sultan ang kakayahan ni Tete sa unang round at nang matantiya niya na kaya itong patulugin ay binanatan niya sa 2nd round ng matinding kombinasyon kaya bumagsak ang South African at napilitan ang referee na itigil ang laban.

Bukod sa IBF regional title, tiyak na papasok sa world rankings ang 25 anyos na si Sultan dahil rank No. 14 si Tete kay IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ng Pilipinas.

Napaganda ni Sultan ang kanyang record sa 12-3-0 win-loss-draw na may 8 panalo sa knockout samantalang bumagsak ang kartada ni Tete sa 15-2-2 win-loss-draw na may 11 pagwawagi sa knockout.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang nakamit ni Sultan ang Philippine super flyweight title sa pamamagitan ng unanimous twelve round decision kontra kay Rene Dacquel noong Hulyo 11, 2015. - Gilbert Espeña