Upang maprotektahan ang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kontrobersiya, kusa nang nagbitiw sa tungkulin ang dalawang deputy commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na isinasangkot sa P50-milyon pangingkil umano sa casino operator na si Jack Lam.

Nag-resign sina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles isang oras matapos na magsampa ng reklamong graft sa Office of the Ombudsman ang retiradong police general na si Wally Sombero na nagsilbing “middleman” ni Lam.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagsibak kina Argosino at Robles sa kanyang pagbabalik sa bansa nitong Biyernes ng gabi mula sa mga state visit sa Cambodia at Singapore.

“They will be held accountable for their actions,” sinabi ni Duterte pagdating niya sa Davao International Airport. “They will face the full force of the law.”

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Binanggit din ng Pangulo na kapwa niya fraternity brother sa San Beda College of Law sina Argosino at Robles at siya mismo ang nagtalaga sa puwesto sa mga ito. - Mina Navarro at Roy Mabasa