Laro Ngayon

(Xavier University Gym)

Cagayan de Oro City

5 n.h. -- San Miguel Beer vs NLEX

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang magtapat ang mga koponan ng mga higanteng sina Junemar Fajardo at Asi Taulava na San Miguel Beer at NLEX sa pagdayo ng PBA para sa pagpapatuloy ng 2017 Philippine Cup sa Cagayan de Oro City.

Magtutuos ang Beermen at Road Warriors sa lungsod na tinaguriang “City of Friendship” ganap na 5:00 ng hapon sa Xavier University gym.

Tatangkaing kumalas ng Beermen sa kasalukuyang pagkakatabla sa Globalport at Rain or Shine sa ibabaw ng team standing hawak ang barahang 3-1, kasunod ang dalawang dikit na panalo kontra Alaska at Mahindra.

Taglay naman ng NLEX at 1-3 marka matapos ang tatlong sunod na kabiguan, ang huli’s laban sa Blackwater, 79-81.

Bagama’t kasalukuyang nangangapa sa kanilang laro ang NLEX, naniniwala si coach Leo Austria na hindi ito dahilan para sila magkumpiyansa makaraang ang dikitang duwelo sa Floodbusters.

“This a good lesson for us.Everybody is competitive,” ani Austria.”So next game we can’t afford to be complacent.”

Sa pagkakataong ito, hindi magkakatapat sina Fajardo at Taulava dahil injured pa rin ang huli at kasalukuyang naka sideline kasama ng iba pang mga injured na Road Warriors na sina Rico Villanueva at Garvo Lanete

Umaasa si coach Yeng Guiao na matututo at nakapag adjust ang kanyang mga manlalaro sa mga nakaraan nilang laban na wala ang tatlo nilang key player.

Ayon pa kay Guiao, ayaw nyang gawing dahilan ng kanilang sunud- sunod na kabiguan ay ang mga pagbabagong nangyari sa team kabilang na ang kanyang pagpasok bilang bagong head coach. (Marivic Awitan)