janine-at-aljur-copy

HALOS gumuho ang mundo ni Yapi nang sisantehin siya sa trabaho ng boss niya. Ilang taon siyang nagtrabaho para sa inaasam-asam na promotion pero kung kailan abot-kamay na niya na ito ay saka naman biglang nawala sa kanya ang lahat.

Sa pinakahuling episode ng third month installment ng Usapang Real Love Present Relationship Goals ay lalo pang tumindi ang drama, kilig at tawa na kailangang abangan sa first-ever interactive rom-com.

Ang Relationship Goals na featured story for the month ay love story ng dalawang young professionals na ginagampanan nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica na nag-aagawan sa iisang posisyon sa kanilang trabaho. Si Yapi (Janine) ang young, popular achiever ng north office samantalang si Kiso (Aljur) ay paborito naman ng lahat sa south office.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa unang pagkikita pa lang ay nakagaanan na agad ng loob nila ang isa’t isa pero dahil magkaribal sa hinahangad na puwesto ay pilit nilang pinigilan ang kanilang nararamdaman. Nagbigay ng challenge ang kanilang boss upang makapagpasya ito kung sino ang karapat-dapat sa posisyon. Pero habang nakikipagtagisan ng galing sa isa’t isa ay lalong titindi ang kanilang nararamdaman para sa katunggali.

Magkaroon kaya ng puwang ang relationship goals nina Kiso and Yapi sa gitna ng kanilang competition?

Panoorin bukas, Linggo, 4:45 PM, sina Janine at Aljur sa maraming drama, kilig at tawanan na sa URL Presents Relationship Goals, ang first-ever interactive rom-com ngGMA-7.

Gusto mo bang maging instant artista? ‘Magpafansin’ na! Ipadala sa amin ang inyong video sa Facebook.com/UsapangRealLove. Dito, kasama ka sa kuwento.