gil-at-jennylyn2-copy-copy

“NAKAKALOKA, hindi pa man nagsisimula ang show, talagang bumabandera na ang dyowa?”

Ito ang sabi sa amin ng TV executive ng programang nakatakdang umere sa 2017.

Ang binabanggit niya ay ang leading man ni Jennylyn Mercado na si Gil Cuerva sa seryeng My Love From The Star. Buong ningning daw kasing nag-post sa IG account ang blogger-girlfriend nito na ikinuwento kung paano sila nagkakilala at kung anu-ano pang detalye ng kanilang relasyon.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Okay lang naman na may girlfriend, hindi naman inaalis ‘yun, pero sana lumabas na lang sana ‘yun pag-presscon o interview na ni Gil,” sabi pa ng TV exec. “Eh, nauna pang mag-announce ‘yung girl. Baka plano na rin niyang maging miyembro ng media?”

Sey namin, baka excited lang ang girlfriend ni Gil kaya nag-post at blogger naman pala ito kaya feeling nito ay okay lang para makilala na rin nang husto ang bagong leading man ni Jennylyn.

Saka pawang words of encouragement naman ang inilagay ng blogger girlfriend ni Gil at may kasamang litrato na magkayakap sila.

“I am incredibly proud of everything you have achieved so far,” saad sa naturang post. “You work so hard in order to improve your craft. Those late and stressful nights will all be worth it soon. No matter what happens I will be here for you through thick and thin, my partner. This is the big break you’ve always been waiting for and words cannot express how excited I am for you. You got this, my monkey.”

Gayunpaman, naintindihan namin ang punto ng TV exec na sana manggaling kay Gil ang isyu o kaya huwag na munang pag-usapan dahil kailangang todo promo muna siya sa una niyang serye bago ang personal life nito ang mapag-usapan.

Pero pagbigyan na at baguhan, baka overwhelmed lang. Sana lang ‘yung girlfriend huwag na munang masyadong umeksena.

Kaya paging the girlfriend of Gil Cuerva, manahimik muna, hane? ‘Yung career mo as blogger na lang asikasuhin mo muna. Payo lang po. (REGGEE BONOAN)