Pangungunahan nina ABL standout Jason Brickman at San Beda ace gunner Davon Potts ang mga Fil-foreign players na lalahok sa idaraos na 2016 PBA D-League Draft sa Disyembre 20 sa PBA Cafe sa Metrowalk, Pasig.

Isa sa mga pinakamaugong na draft hopeful si Brickman makaraang pangunahan ang koponang ginagabayan noon ni coach Ariel Vanguardia-ang Westports Malaysia Dragons sa 2016 Asean Basketball League.

Mayroon siyang average na 13.2 puntos, 5.6 rebound, at 10.7 assist at tinanghal na Finals Most Valuable Player.

Si Brickman ay lumaro rin sa Mighty Sports-Philippines squad na nanalo ng gold medal sa 2016 Jones Cup.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi naman matatawaran ang kahusayan ni Potts sa San Beda sa nakaraang NCAA Season 92 kung saan siya nag- average ng 15.2 puntos, 3.6 rebound, at 1.4 assist.

Ang iba pang pinag-uusapan ay sina San Francisco State swingman Robbie Herndon at Fil-Swede Andreas Cahilig.

Sa kabuuan, may 15 Fil-foreign players ang nag- apply sa draft kasama ng 113 local applicants. (Marivic Awitan)