kris-copy-copy

HINDI sa Pilipinas magdiriwang ng Pasko ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino-Yap, batay sa Instagram post niyang ito kahapong 10 AM:

“Tomorrow (ngayong araw) my sons & I are leaving for my health examination abroad. To all of you who patiently waited for me to return to the work I love most & the work you’ve missed me doing -- January 2017 starts a full slate for me.

“But I wanted to reassure my siblings & my sons that my health will be at its best. Kaya isa-sacrifice na namin ang Pasko here para malaman namin what I need to do to be at my best physical condition so that I can give my 100% to my family & my career. #ThisIsReal ❤️™@krisaquino.”

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Kaagad naming tinext si Kris pagkabasa namin sa post niya kung dito na sila ng Bagong Taon. Sa December 30 ang kanilang uwi, reply niya sa amin. So, dito nila sasalubungin ang 2017.

Samantala, gandang-ganda si Kris sa Sonya’s Garden na matatagpuan sa Alfonso, Tagaytay na feature niya sa kanyang online show.

Naisip namin na sa tagal ng programang Kris TV ay hindi na-feature ng TV host ang Sonya’s Garden gayong kung saan-saang magagandang lugar na siya nakarating.

Sulit din naman ang pagpunta ni Kris sa Sonya’s Garden dahil sobrang ganda at nakaka-relax ang lugar at bagay ito sa mga taong malapit ang puso sa nature at mahilig sa masasarap pero healthy na pagkain.

Sayang nga at hindi ipinakita ni Kris ang magagandang bahay na tinutuluyan ng mga guest ni Ms Sonya dahil napaka-homey at puwedeng maglaro ng hide and seek sa sobrang laki para sa malaking pamilya. May cottages din na para sa maliliit na pamilya at mayroon din para sa honeymooners.

Nag-concentrate si Kris sa magagandang halamanan sa paligid ng Sonya’s na feeling namin ay baka ipapagawa rin ng Queen of All Media sa bago niyang bahay.

Lahat ng bahay ay overlooking sa magagandang puno ng Tagaytay at ang pinakapaborito rin naming lugar ng bahay ay ang bathroom dahil sobrang lamig at ang tatapakan mo ay mga batu-bato habang bukas ang napakalaking bintana na wala namang makasisilip habang naliligo ka dahil kasing taas mo ang mga puno, maliban na lang kung nandoon si Tarzan, he-he-he.

Isa pang nagpapaganda sa Sonya’s Garden ay ang restaurant nila na parang nasa loob ng gubat ang set-up dahil pawang mga tanim ang disenyo sa mga paligid at lamesa at superb ang veggie salad nila na iba-iba ang dressing.

May spa and massage homes sa Sonya’s Garden kaya halos ayaw mo nang umalis at gugustuhin mo nang matulog sa gitna ng napakagandang lugar, dim light, at ang bango pa.

Gusto rin namin ang breakfast nila na Pinoy dishes at ang kanilang antique plates na galing pa sa ibang bansa at ang dining room na overlooking ulit.

By the way Bossing DMB, masarap mag-deadline doon ‘pag gabi kasi lagaslas ng tubig, hampas ng hangin sa mga dahon, at huni ng mga kulisap at palaka lang ang maririnig mo.

‘Yun nga lang, walang signal ng cellphone sa loob ng Sonya’s Garden lalo na sa cottages at pati radyo, wala rin. Kasi nga, observe cleanliness at silence ang nakapaskel sa buong kapaligiran.

Napakasarap mag-recharge sa nasabing lugar, lalo na sa mga taong stressed at naghahanap ng tahimik na lugar.

Anyway, magaganda ang wishes ng followers ni Kris sa kanyang latest post at umaasa sila na sa pagbabalik-trabaho niya sa January 2017 ay okay na okay na ang kalusugan niya at mas marami pa siyang maisi-share sa show niya – sa online man ito o sa TV uli. (REGGEE BONOAN)